Police Mobile sa Puerto Princesa, sumemplang!

Tumihaya ang isang police mobil ng Puerto Princesa City Police Office bandang alas-nwebe kagabi sa National Highway ng Barangay Sicsican.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Napag-alaman ng Brigada na nagmula sa Poblacion ang behikulo at patungo sa Police Station 2.

Sakay nito ang dalawang pulis na hindi nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Samantala, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang City Police Office kaugnay sa aksidente.