Posibleng maharap sa kasong administratibo at kriminal ang isang guro na inireklamo ng pananakit at pagsasabing “Bobo” sa ilang estudyante.
Ayon sa isang abogado na si Atty. Joemar Calluna, pwede ring ma-dismiss sa pagiging guro si Eduardo David ng tacras elementary school sa Barangay Tacras, Narra.
Inireklamo rin ang guro ng magulang ng pamumukpok ng ballpen sa ulo ng isang Grade 6 pupil kaya pwede rin daw itong maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610.
Paglilinaw ni Atty. Caluna, sa pagsasabi ng “Bobo” sa bata ay posibleng magdulot ng trauma sa bata na mahirap gamutin kaya ikinokonsidera itong emotional violence.
Ipinaalala ni Atty. Caluna sa mga guro na sila ang pangalawang magulang ng mga bata sa paaralan.