Police Col – nangmolestya raw ng babaeng pulis

Sinibak pansamantala sa pwesto ang isang Police Colonel sa Region 12 na sangkot umano sa sexual harrassment sa isang babaeng pulis.

Nangyari umano ang sexual harassment sa loob ng isang firing range sa loob ng kampo.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kaugnay nito, sinabi naman ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na batay sa kanilang records ay nasangkot na rin ang naturang pulis sa parehong reklamo noong nadestino ito sa Region 11.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa kasalukuyan, bumalik muna ang akusadong pulis sa Philippine National Police (PNP) Headquarters habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.