‘Crypto King’ na nakapangloko ng ilang sikat na personalidad – arestado sa Cavite

Arestado ang itinuturing na crypto king na umano’y nakapang biktima na sa ilang negosyante, media personalities, at maging mga pulis sa Noveleta, Cavite.

Nadakip ang 23-anyos na lalake matapos ireklamo ng mga nabiktima nito.

Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group na nangangako ang suspek na tutubo ang mga na invest na pera nang apat hanggang limang buwang porsyento kada buwan pero pag naibigay na ng mga biktima ang kanilang pera biglang hindi na ito nagpaparamdam.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Nadiskubre rin ng CIDG – NCR na nasa 500 hanggang 600 milyong piso na ang nai-scam ng suspek.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Napag-alaman din na naaresto ito noong nakaraang taon dahil sa kaparehong krimen pero nakapag piyansa.

Kaya nanawagan ang mga otoridad sa mga na-biktima ng suspek na lumapit sa kanila para mapagtibay pa ang kaso.