Pokwang, nagsampa ng deportation complaint vs ex-partner na si Lee O’Brian

Nagsampa ng petition for deportation at cancellation of visa si Marietta Tan Subong o mas kilala sa pangalang Pokwang laban sa kanyang dating partner na si Lee O’Brian, ang ama ng kanyang bunsong anak na si Malia.

Isinampa ng komedyana ang pinag-isang reklamo niya sa Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila .

Kasama niyang naghain ng reklamo ang kanyang abogadong si Atty. Ralph Calinisan.

Ipinost ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang kopya ng kanyang reklamo at may caption na “Para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko.”

Sinabi ng kampo ni Pokwang, na gumagamit lamang ng tourist visa si O’Brian at walang special working permit.

Kamakailan, inamin ng komedyante na hindi nagbibigay ng anumang financial support si O’Brian sa kanilang anak at tinawag pa siyang “palamunin.”//CA