Nagbahagi ng ilang glam photos ang fashion icon na si Heart Evangelista kasama ang kanyang asawang si Senator Chiz Escudero.
Mayroong itong napakagandang appreciation post sa kanyang asawa.
“Appreciation post for this man I call my husband, through hell and beyond you have stood by my side,”isinulat ni Heart sa kanyang post.

Talagang naantig ang aktres dahil sa hirap o ginhawa, nandyan ang mister niya sa kanyang tabi.
Nakatanggap d si Heart ng maraming positibong komento mula sa mga netizens. Sabi ng isang netizen, maganda rin daw na nagkakaroon ng challenge ang isang relasyon.
Maaalalang noong nakaraang taon, kumalat ang isyung hiwalay na ang dalawa ngunit tinuldukan ito ni Heart nang umuwi ng Pilipinas at magkasama ang mag asawang nag celebrate ng Bagong Taon.//CA