Pokwang, ibinida ang kaniyang glamorosang outfit sa pagtatanghal sa Dubai Expo

Nag-perform ang komedyante na si Pokwang sa Dubai Expo 2022 habang suot ang glamorosang outfit na nilikha ni Jan Garcia.

Dumating si Pokwang na suot ang maximalist, floor-length purple coat kung saan ay kapansin-pansin ang volume nito.

Kapag inalis ang coat, ay makikita ang maikling golden number na may large, imposing shoulders, at inistilong folds sa baywang.

Read More:  Andrea Brillantes opens up about alleged friendship fallout with Bea Borres

Nangyari ang outfit reveal sa entablado kasabay ng pag-awit ni Pokwang sa Lady Gaga hit na “Bad Romance”.

Inihayag ni Pokwang sa kaniyang Instagram post, “Maraming, maraming salamat po mga kababayan sa Dubai!! Isang karangalan at kaligayahan na makita kayong muli at ang inyong mga tawa at ngiti,”

Read More:  Jinkee Pacquiao turns backlash over umbrella incident into joke

Iginiit rin ng komedyante na ikinararangal niya na muling makapag-perform sa harapan ng maraming audience matapos ang dalawang taong pandemya.