Poe – Suplay ng tubig ngayong tag-init, dapat tiyakin

Pinasisiguro ng isang mambabatas sa mga water concessionaires at iba pang mga ahensya ng gobyerno na sapat ang suplay ng tubig ngayong dry season.

Sa isang pahayag, pinakikilos ni Senate committe on Public Services chairperson Senadora Grace Poe ang mga concerned agencies na mag-doble kayod na para paghandaan ang tag-init.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Ito ay kasabay ng patuloy na pagbaba ng lebel ng mga dam na nagsusuplay ng tubig sa mga kabahayan dulot ng bihirang pag-ulan.

Nag-abiso na rin ang ibang mga water suppliers ng rotational water interruptions para masuplayan ng tubig ang lahat ng kanilang mga kustomer.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Paalala ng Senadora, umaasa silang gagampanan ng mga water concessionaires ang sinumpaan nitong tungkulin bilang bahagi ng pagre-renew ng kanilang prangkisa.

Kasama rito ang sapat na suplay ng tubig, at ang pagpo-provide ng ligtas, malinis, at maaasahan na tubig sa bawat gripo ng mga Pilipino.
#