Poe, pinamamadali ang P3B fuel subsidy sa mga PUVs

Pinamamadali ni Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang pagbigay ng P3B fuel subsidy sa mga pampublikong sasakyan (PUVs).

Ito’y bunsod sa panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Poe, dagdag-pasakit sa mga drayber at operator ang taas-presyo ng mga oil products at kung tataasan naman ang pasahe magiging pasanin naman ito ng mga pasahero.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Dagdag pa ng mambabatas, kailangang humanap ang DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng iba pang alternatibo para matulungan ang PUV sector at commuters.