CCG, namataan sa paligid ng Panganiban reef – maritime expert

Muling namataan ng maritime security expert na si Ray Powell ang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) sa paligid Panganiban reef o Mischief Reef.

Batay sa tweet ni Powell, nakaabang ang Chinese coast guard ship 3303 para sa susunod na isasagawang resupply mission ng bansa.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner, handa na ang mga military forces ng bansa kapag uulitin ng Chinese vessel ang pagbomba nito sa sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dagdag pa ni Brawner, magtitimpi na ‘muna’ ang mga sundalo dahil mayroon namang water cannons ang Philippine vessel; pero sa halip na gamitin itong panlaban sa Beijing mas mainam na i-utilize ito para sa emergency sakaling magkasunog ang barko.