Dalawa pang Pilipino ang kasamang nasawi sa mahigit 100 na namatay sa wildfires sa Lahaina [LA-HAY-NA], Hawaii.
Ito ay kinumpirma sa social media post ng kaanak nila na si Edna Sagudang.
Ayon kay Edna, natukoy ng mga forensic expert sa Honolulu ang mga labi ng kaniyang ina na si Conchita Sagudang, at kaniyang nakatatandang kapatid na si Danilo Sagudang, na kapwa tubong-Abra.
Samantala, beneberipika pa ang naturang impormasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil wala pa itong update mula sa kinauukulan ng Hawaii.
Kung maaalala, una nang kinumpirma ng DFA ang pagkamatay ng 79 anyos na si Alfredo Galinato na isang naturalized US citizen mula Ilocos.
