Solon, bukas sa panukalang paglilipat ng PhilHealth sa OP

Sinuportahan ng ilang mambabatas ang panukang paglilipat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) mula sa Department of Health (DOH) tungo sa Office of the President (OP).

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson, Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, maganda itong unang hakbang upang maisaayos ang financial governance at investment management at maging holistic at whole-of-government.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Dagdag pa niya, ang PhilHealth ay isang social insurance agency at hindi isang ospital.

Kabilang sa mga kailangang solusyonan sa isyu ay ang equity sa panig ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) bilang sila ang mga masipag mag-bayad ngunit hindi naman nila ito nagagamit sa ibang bansa at sa kanilang trabaho.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Bagamat magandang unang hakbang ito sa pagresolba ng mga problema ng ahensya, iginiit parin ng mambabatas na madaming pa kailangang gawin ang Kongreso, para sa mas malawak na pagtugon sa mga ito.//MCV, edited MHEL PACIA