PNP: walang destabilization plot at kudeta

Muling iginiit ng Pambansang Pulisya na wala silang namomonitor na destabilization plot at kudeta sa gitna ng mga isyu sa pagitan ng kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, hindi makakaapekto ang ano mang political issue sa kanila at nakatutok ang buong hanay ng pulisya sa kanilang mandato.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Lagi aniyang ipinapaalala sa kanila ni PNP Chief Gen.Benjamin Acorda Jr. na huwag makinig sa ano mang political noise”.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sinabi pa ng opisyal na nirerespeto nila ang opinyon ng bawat isa pero paki-usap aniya nila na huwag idamay ang PNP.

Sa ngayon nasa normal alert ang status ang hanay ng PNP.