Kamara, pinagtibay ang suporta kay HS Romualdez

Ipinagtanggol ng Kamara si House Speaker Martin Romualdez mula sa mga pambabatikos at mga ‘unfounded’ na mga akusasyon rito ng mga Senador.

Sa resolusyong ihahain ng ilang Kongresista, tinuligsa ng mga ito ang mga taktikang ginagamit ng Senado na nakasisira sa cooperative governance at tiwala ng publiko.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, dito rin nakasaad ang matibay na suporta ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan sa liderato ng Kamara.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Binigyang-diin din nito na isa sa pinakalayunin ng resolusyon ay ang mapanatili ang integridad ng Kamara sa gitna ng mga ibinabatong pambabatikos ng mga senador.

Nakatakdang ihain ang naturang resolusyon sa Lunes.