Muling nanawagan ang PNP kay Apollo Quibuloy na sumuko na at harapin ang mga kasong kanyang kinakaharap.
Ito’y sa gitna na rin nang nagpapatuloy na paghahain ng warrant of arrest kay Quibuloy sa mga lugar na posibleng pinagtataguan nito partikular na sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City
Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, alisunod sa batas ang ginagawa ng mga operatiba ng PNP sa Davao City.
Kasunod nito, nanawagan din si Fajardo sa mga taga-suporta ng Pastor na maging mahinahon at hayaan silang i-serve ang warrant para maiwasan ang tensyon.
Pahirapan kasi para sa mga pulis ang paghain ng warrant dahil sa presensya ng mga taga-suporta ni Quibuloy.
Nabatid na si Quibuloy ay nahaharap sa kasong sexual abuse at human trafficking gayundin ang iba pang mga akusado.