Itinuturing na hamon ng Philippine National Police ang banta sa kanila ni Sen. Jinggoy Estrada na maaaring maapektuhan ang kanilang 2025 budget kung hindi mahahanap at maaaresto si suspended Mayor Alice Guo sa loob ng 1 buwan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, isa itong challenge sa kanila at tinatanggap nila ito.
Sinabi ni Fajardo, tuloy-tuloy ang kanilang paghahanap kay Guo.
Gagawin aniya ng PNP ang lahat upang mahanap, maisilbi ang warrant of arrest at madala sa senado ang suspended Mayor.