Naibalik na ang mga police security personnel kay Senator Bong Go.
Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo.
Paliwanag ni Col. Fajardo, ni-recall ng Police Security and Protection Group ang lahat ng mga PNP personnel na nagsisilbing protective security sa mga authorized individual kabilang na ang mga government officials noong unang linggo ng Hulyo.
Ito’y kasunod ng isyu ng moonlighting.
Isinailalim aniya ang mga ito sa refresher training at pagkatapos ay ibinalik din sila sa mga authorized individual kabilang na ang police security personnel ng Senador.