PNP Sagñay, tiniyak ang kaligtasan ng mga kolektor matapos ang insidente ng umano’y hold up me

CAMARINES SUR- Posibleng “Hold-up me” ang insidente ng umano’y panghohold-up sa Sagñay, Camarines Sur.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Michael Albania, hepe ng Sagñay PNP. Aniya nagsumbong sa kanila ang isang account executive na residente ng Albay nitong Hulyo 18, 2024, habang nakatigil sa Patitinan para sa personal na pangangailangan hinold-up umano ng dalawang lalaki. Sa masusing imbestigasyon , hindi nagtutugma ang mga salaysay nito.  Nabatid din ng PNP na may history ang biktima ng hindi pag remit ng koleksyon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur
Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Kaya naman ayon kay Albania, wala namang naitatalang holdapan sa bayan, ligtas aniya ang lugar para sa mga dumaraan , may mga nakalatag din silang pulis.