Pinag-iingat ng pulisya ang mga local commanders sa mga natatanggap na donasyon at pinayuhan ang mga ito na magsagawa ng akmang background check.
Ginawa ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang paalala kasunod ng ulat na lumutang kung saan ay sinagot umano ni suspended Bamban Mayor Alice Gou ang mga kagamitan ng Bamban Municipal Police Station.
Ayon kay Fajardo, bukas ang PNP sa mga donasyon na magmumula sa probadong sektor, mga indibidwal o organisasyon bastat walang makokompromiso.
Ayon kay Fajardo, tinitingnan na rin kung ang mga donasyon ng suspendidong alkalde ay ginawa at sumailalim sa tamang paraan at may kaukulang Memorandum of Agreement at Deed of Donation.
Paalala ng opisyal sa mga local commander na maging mapanuri sa lahat ng mga nag-aalok ng tulong.