Airport cleaner isinauli ang P1M sa loob ng medyas

Ibinalik ng isang airport clearner sa Ninoy Aquino International Aiport sa lost and found ng naturang paliparan ang nakita niyang pares ng maruruming medyas na may lamang P1 milyon.

Kinilala ang tapat na cleaner na si Rosalinda Celero.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon kay Celero, Huwebes ng madaling araw habang nagwawalis siya ay nakakita siya ng mga medyas mula sa ilalim ng isang gang chair na ginagamit ng mga pasahero upang maisuot muli ang kanilang mga sapatos.

Sinabi ni Celero na hindi niya napansin na may laman pa lang pera ang naturang mga medyas.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sinusuri ng Manila International Airport Authority ang CCTV footage para matukoy ang may-ari ng mga medyas.

Hindi malinaw kung paano nadulas ng hindi pa nakikilalang pasahero ang X-ray ng airport security nang hindi natukoy ang pera.