PNP, pinalagan ang mga nagsasabing binigyan ng ‘special treatment’ ang pagsuko ng suspek na nanagasa sa isang sekyu sa Mandaluyong

Hinihintay pa rin ng Philippine National Police ang i-iisyung warrant of arrest laban sa drayber na nanagasa ng SUV sa Mandaluyong.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Val de Leon na nasa Korte na ang bola pagdating sa magiging kapalaran ng arrest ni Jose Antonio Sanvicente matapos isampa ang kaso laban sa kanya.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dinepensahan din nito ang naging hakbang na pagpapa-live press conference sa suspek.

Ito ay matapos umani ng negatibong reaksyon ang presscon ni Sanantonio dahil tila raw ay mas nabigyan pa ito ng special treatment at media mileage kung ikukumpara sa sinasagaaang guard na si Christian Floralde.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Ayon kay de Leon, maaaring kinakailangan ngang i-revisit ang polisiya ng kanilang PIO at sinabing bukas din sila na bigyan ng pagkakataon si Floralde para humarap sa media.
#