PNP pinaghahandaan na ang iba’t ibang aktibidad ng publiko sa Holy Week at summer vacation

Tinatayang 78,000 mga pulis ang inaasahang ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) para magbantay sa Holy week at summer break.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., kabuoang 38,387 mga pulis ang inaasahang magsasagawa ng beat patrols, habang 39,504 naman mga miyembro ng PNP ang ide-deploy sa mga matataong lugar gaya ng transportation hubs, terminals, commercial areas, at mga lugar-dalanginan.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Paliwanag ni Azurin, ang naturang deployment ng kanilang mga tauhan ay para masiguro ang seguridad ng publiko sa Holy Week, maging sa Holy Month ng Ramadan na nagsimula noong March 23.

Ibinahagi rin niya na nakapaglabas na ang PNP National Headquarters ng operational guidelines para sa Police Regional at Provincial Offices upang magpatupad ng law enforcement and public safety plan para sa 60-day summer holiday season.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Bukod dito, inaasahan na rin umano nila ang malaking bilang ng mga biyahero ngayong bakasyon, kaya nais nilang matiyak na magiging ligtas at masaya ang magiging bakasyon ng publiko.