DOH hinimok na palakasin ang pagtugon sa mga sakit na posibleng makuha sa mainit na panahon

Hinimok ni Albay Rep. Joey Salceda ang Department of Health (DOH) na palakasin ang pagtugon sa iba’t ibang sakit na kadalasang nagsisilabasan tuwing mainit ang panahon gaya ng cholera, chikungunya at Zika virus.

Binalaan din ni Salceda ang ahensya na ang paparating na El Niño season ay maaaring maging “hotbed for epidemics.”

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Kaugnay nito, dapat umanong gumawa ang gobyerno ng mga hakbang gaya ng pagbibigay-mandato sa mga local government units na panatilihin ang kalinisan.

Kasabay nito, sinabi ng mambabatas na dapat magkaroon ng coordination work ang DOH, at dapat din ang mga itong magbigay ng gabay upang mas maging ligtas ang kalusugan ng publiko.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Umaasa rin ang kongresista na maaaprubahan ng Senado ang kanyang bersyon ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) bill pagbalik ng kanilang sesyon sa May 8.

Aniya, makadaragdag sa kahandaan ng bansa ang CDC lalo na sa El Niño na posibleng maramdaman pa hanggang 2024.