Leyte 4th District Rep. Gomez, kinekwestiyon ang tila pag-iwas ng Senado sa usapin ng charter change

Natatakot ba ang ilang senador na pag-usapan ang charter change dahil maaaring maamyendahan at mapaikli ang kanilang termino?

Ito ang tanong na binitawan ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez hinggil sa kung bakit hindi nakakukuha ng traction ang cha-cha sa Senado sa kabila ng malaking suporta na ibinigay ng Kamara dito.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Ayon kay Gomez, palagay niya ay mahalagang malaman ang kung ano ang kinatatakutan ng Senado kaugnay sa pang-amyenda sa Konstitusyon.

Binigyang-diin din nito na marahil pinangangambahan ng mga mambabatas na mapunta ang usapan sa pagpapaikli ng termino ng mga senador na mula sa anim na taon, magiging apat na taon na lamang ang kanilang panunungkulan.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Ani Gomez, ang kanyang tanong ay dapat masagot kapag nagpulong na ang dalawang congressional chambers.