PNP, patuloy na ipatutupad ang face shields policy sa kabila ng bagong polisiya

Patuloy umanong ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang mandatory na pagsusuot ng face shields na inirekumenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa isang statement, sinabi ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na bibigyang babala ang mga violators at papaalalahanan na wala pang guidelines na pinapayagan ang publiko na di na magsuot ng face shields sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon kay Eleazar, ang rekumendasyon ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte ay gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields sa mga enclosed spaces, commercial areas, public transport, terminals, at mga sambahan.

Kaya naman hangga’t wala pang desisyon ang pangulo sa isyu at di pa inaamyendahan ng IATF ang guidelines, ipatutupad ito ng PNP.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Inatasan naman ng PNP chief ang kanyang mga tauhan na iwasang magpataw ng parusa sa mga lalabag sa polisiya.

Mababatid na kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque kahapon na sinabi ng presidente na dapat ay sa ospital lamang sinusuot ang face shields.

Umapela naman ang IATF sa desisyon ng pangulo.