LGU-Bato sa Catanduanes, magbibigay ng reward sa makakapagturo sa suspek sa pamamaslang sa 87-anyos na lola sa kanilang bayan

BICOL—Inanunsiyo ni Bato Catanduanes Mayor Juan Rodulfo, na nakahandang magbigay ng P50,000 na reward money ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan para sa sinumang makakapagturo sa salarin o suspek sa pamamaslang sa 87-anyos na lola sa Brgy. Batalay, gabi nitong nagdaang Sabado.

Ayon sa opisyal, nais nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima lalo na at napag-alamang World War Veteran ang asawa nito. Umaasa umano ang LGU na makakatulong ang nasabing pabuya upang mabigyan ng hustisya ang pagkakapaslang sa biktima.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Matatandaang batay sa ulat ng mga otoridad, duguan at wala ng buhay nang madatnan ang biktimang kinilalang si Ester Rojas, residente ng nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na pagnanakaw ang posibleng motibo sa krimen dahil ayon sa salaysay ng anak nito, may nakatagong P80,000 na halaga ng pera ang biktima sakanyang cabinet ngunit nang magsagawa ng search ang PNP sa crime scene ay tanging ang ATM card at withdrawal slip na lamang nito ang nakita.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Para sa anumang impormasyon na posibleng makatulong sa ikakaresolba ng kaso, mangyaring makipag ugnayan lamang sa PNP Hotline – 09998765310.###