PNP, naka-full alert status na simula bukas

Walang namo-monitor na anumang seryosong banta sa seguridad ng bansa ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng mga aktbidad na may kinalaman sa nalalapit na Kapaskuhan partikular ang Simbang Gabi.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, nagbigay na ng instruction si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa lahat ng regional directors , provincial directors hanggang sa mga chief of police na palakasin ang kanilang intelligence monitoring.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kasama sa tututukan ng PNP, ang mga pantalan, paliparan, bus terminal, mga pampublikong lugar at mga matataong lugar.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Bukas ay itataas na sa full alert status ang PNP. Nabatid na nasa 39, 000 mga pulis ang ipakakalat ng PNP sa buong bansa para sa law enforcement operations at iba pa.

Ito’y bahagi ng kanilang Ligtas Paskuhan 2023.