Inanusyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na pansamantala muna nilang isasarado ang ilang daan sa Metro Manila upang magbigay daan sa idaraos na Metro Manla Film Festival (MMFF) Parade of Stars sa darating na Sabado.
Ilan sa mga kalsadang pansamantalang isasailalim sa lane closures at counterflow ay ang C-4 Road, Samson Road at McArthur Highway.
Samantala, bilang alternatibong ruta ay pupwede umanong daanan ang Gov. Pascual at M.H. Del Pilar St. kung tutungo sa Navotas mula Malabon.
Samantala kung papunta naman ng Monumento ay maaring gamitin ang Gov. I Santiago Road.
Maliban pa roon, pinaaalalahan din ng awtoridad ang ilang motorista na maari rin silang dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) Northbound at Southbound.