Inihatid na kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang unang batch ng mga Chinese Nationals na nahuli sa kamakailang pagsalakay sa isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa F.B Harrison at William Street sa Pasay City.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), idineklara nila ang mga ito bilang “undesirable aliens” matapos mapag-alamang walang mga visa at permit ang mga ito upang manatili at magtrabaho sa bansa.
Maliban pa roon, blacklisted na rin ang mga ito sa Pilipinas at pagdating sa China ay kakaharap ang mga ito sa kaso.
Samantala, gumamit naman ang mga awtoridad kanina ng mga cable ties bilang posas sa mga ito habang naka-trash tag ang ilan namang gamit ng mga ito.
Ayon naman sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, ito na ang pinakamalaking bilang ng deportasyon na naitala nila ngayong taon.