PNP nagsagawa ng sorpresang inspeksyon sa mga pampublikong sasakyan at lahat ng mga terminal sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Isang surprise inspection ang isinagawa ng Daet PNP sa lahat ng mga pampublikong sasakyan  at mga terminal sa bayan ng Daet na layong matiyak na mahigpit na naipapatupad ang isinasaad sa Executive order #3 na ipinalabas ng Pamahalaang Panlalawigan alinsunod sa pagpapatupad ng Minimum health standard protocols

Ang surprise inspection ay isinagawa nitong January 31, 2022 kung saan tiningnan ng mga tauhan ng Daet MPS sa superbisyon ni PLTCOL Arnel De Jesus, Officer in charge na ang lahat ng mga taong nasa labas at mga sumasakay sa pampublikong sasakyan ay mga fully vaccinated at may hawak na vaccination card

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Isinasaad sa EO #3 ang mas pinahigpit na panuntunan partikular sa mga hindi pa bakunadong indibidwal na hindi na pinapayagang lumabas ng bahay ang mga hindi bakunado maliban sa pag-access ng medical at health services.

Bawal lumabas ng bahay ang hindi bakunado at mga batang edad 11 pababa maliban kung ang sadya ay serbisyong medikal at pangkalusugan.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Mga bakunado lamang ang papayagang pasahero sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan, kasama ang traysikel. Inoobliga ang mga pampublikong sasakyan na hingian ng antigen test result ang mga pasaherong hindi bakunado.

Ang surprise inspection ay bahagi rin ng nagig kaatasan ni Gobernador Tallado sa Philippine National Police na mahigpit na ipatupad ang mga nilalaman ng nasabing kautusan at sitahin ang mga nasa labas na hindi bakunado at samahan sa pinakamalapit na Rural Health Unit para sa kaukulang pagbabakuna.