113, 063 naturukan na ng COVID-19 vaccine sa Naga; pag agam-agam sa booster shots kinumpirma ng City Health Office

NAGA CITY- 113, 063 na ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa Naga City; 96, 879 ang fully vaccinated. Hindi pa rito kabilang ang mga mula sa offsite.

Ito ay ayon kay City Health Officer Dr. Butch Borja sa pag presenta ng record sa konseho. Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng nababakunahan. 30,000 ang target ngayong linggo ng City Government sa kanilang “NagaVax to the Max”.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Samantala  5, 769  pa lamang ang nakatanggap  ng booster shot, schedule ito bawat Huwebes at Biyernes. Kinumpirma ni Borja na may mga nag aagam-agam sa booster dahil natatakot  sa isyu na mabuti na sa katawan ang dalawang dose at hindi na dagdagan pa.

Read More:  Three fishing vessels destroyed in fire at MGTR compound in General Santos City

Una nang nakausap ng BNFM ang ilang barangay officials at ibinahaging may mga nagsasabing ramdam nila ang pananakit ng katawan sa booster shot.