PNP, mayroon nang tatlong POI’s sa pagpatay kay South Upi VM Benito

Mayroon nang tatlong Persons of Interest ang Philippine National Police sa pag-ambush at pagpatay kay South Upi, Maguindanao del Sur Vice Mayor Roldan Benito at kanyang pamangkin.

Si VM Benito na sakay ng kanyang minamanehong pick-up kasama ang kanyang pamangkin, asawang kapitan at dalawang anak ay tinambangan noong Biyernes ng hapon sa Bgy. Pandan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Maguindanao del Sur Police Provincial Office Director Col. Roel Sermese, tukoy na nila ang tatlong POI’s at napag-alaman na may mga standing warrant of arrest ang mga ito.

Ang mga POI’s na ito ay sentro ngayon ng kanilang follow-up investigation at manhunt operation.

Dalawang anggulo rin ng tinututukan ngayon ng mga awtoridad sa insidente, una ay ang personal grudge at ang pangalawa ay land conflict.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Nabatid na kilalang matapang na indigenous Teduray political leader si Benito at sumusuporta sa paglaban para sa ancestral domain ng mga Indigenous People sa bayan.

Ayon kay Col. Sermese, mayroon ng binuong Special Investigation Task Group para tutukan ang mabilis na pagresolba sa kaso ng pagpatay sa Bise Alkalde.