Carlos Yulo, target na makapasok ng 2028 Los Angeles Olympics

Matapos ang kanyang historic win sa Olympics, target naman ngayon ni Carlos Yulo ang makapasok sa 2028 Summer Games sa Los Angeles, California.

Kinumpirma ito ni Yulo kahapon at sinabing 100% sure siya na susubok na makapasok ulit sa nasabing laro.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Kung magiging kwalipikado siya sa Los Angeles sa 2028, ito na ang ikatlong Olympics ni Yulo.

Ito rin ang hangad ng Gymnastics Association of the Philippines para sa manlalaro, matapos niyang irepresenta ang Pilipinas sa world stage.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sa ngayon, focus muna aniya siya sa kanyang sarili, lalo na’t naging stressful ang taon na ito para sa kanya.