Gumagamit ng electric vehicle sa bansa, target mapataas ng gobyerno sa 50% sa taong 2040

Target ng pamahalaan na mapataas pa ang bilang ng mga gumagamit ng electric vehicle sa bansa.

Sa naging talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos sa launching ng Dongfeng motors, sinabi nitong isa sa itinataguyod ng kanyang administrasyon ang pag gamit ng e-vehicle bilang pagtupad sa commitment ng pamahalaan sa Paris agreement.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Sa ilalim ng naturang kasunduan, nangako ang Pilipinas na babawasan ang greenhouse gas emissions ng 75% mula taong 2020 hanggang 2030 sa agriculture, wastes, industry, transport at energy sector.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa Pilipinas, ang transportation sector ang pangunahing pinagmumulan ng greenhouse gas emissions, ito ang dahilan kung bakit nais ng pamahalaan na maparami ang electric vehicle sa 10 hanggang 50% sa taong 2040.

Nitong 2020, meron lamang 8,800 electric vehicles sa bansa.