PNP mahigpit na ipapatupad ang health protocols sa pag bisita sa mga pribado at pampublikong sementeryo sa Albay, ayon sa Albay PPO

LEGAZPI CITY – Nakaalerto na ang bawat Municipal at City Police Station sa mga Pribado at pampublikong sementeryo sa lalawigan ng Albay. Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Kharren Rañola Formales, ang spokesperson ng Albay Police Provincial Office (APPO) sinabi nito, mahigpit na ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang health protocols sa pagbisita sa mga pribado at pampublikong sementeryo sa nasabing lalawigan.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

 Aniya, sa pagpasok sa loob ng sementeryo ay kailangan nakasuot ng facemask at faceshield. Ipinagbabawal ang mga anumang matatalim na bagay sa loob ng sementeryo, baraha, alak, mga maiingay na gamit tulad ng videoke. Tanging gagawin lamang ng mga ito ay pagbisita at pagdarasal sa kanilang mahal sa buhay.

 Dagdag pa nito , hanggang sampu lamang ang pinapayagan sa pamilyang dadalaw at kailangan 30% ang capacity ng sementeryo. Maliban pa rito, ipinagbabawal rin na pumasok sa nasabing lugar ang edad na 18 anyos pababa at 60 anyos pataas.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

 Samantala, maglalagay na rin ng police assistance desk sa mga sementeryo upang matiyak ang kaligtasan ng bawat tao na bibisita sa kanilang mahal sa buhay.