Hihigpitan na ng Philippine National Police (PNP) ang regulations para sa pagbebenta ng mga uniporme ng kapulisan online.
Ito ay kasunod ng paggamit ng mga police uniforms sa iba’t ibang mga krimen lalo na’t nabibili lang pala online ang kanilang uniporme, insignias, at iba pang tanda ng isang pulis.
Ito ay kahit na mayroon nang Executive Order 297 na nagbabawal sa apggawa at pabebenta ng PNP items lalo na sa mga hindi aktibong miyembro ng PNP.
Ngayong araw, lumagda sa isang kasunduan ang PNP at ang online selling platform na Lazada.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda na ang iligal na pagbebenta ng mga PNP uniforms ay isa raw banta sa seguridad ng mga Pilipino, at nakokompromiso rin ang integridad ng kanilang institusyon. (Brigada Intern-JC Javier)
