Dagdag-pasahe sa LRT-1 at LRT-2, kasado na

Lalarga na ang taas-pasahe sa mga mananakay ng LRT Line 1 at Line 2 simula sa ikalawa ng Agosto.

Ayon sa Department of Transporatation (DOTr) – naaaprubahan ang fare adjustment matapos ang isinagawang Cabinet meeting noong June 6.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aabot sa piso hanggang ₱ 1.21 ang taas sa pamasahe kada kilometro.

Ayon kay DOTr Asec. for Railways Jorjette Aquino – ang taas-pasahe ay makatutulong sa pagpapabuti ng serbisyo, amenities, at technical capabilities ng LRT 1 and 2.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Mula sa fare adjustment – ia-allocate ang nasa P110Million para sa maintenance at iba pang operating expenses ng naturang rail system.//MCV