PNP, isinailalim ang N. Samar sa high alert, kasunod ng magkakahiwalay na pag-atake

Isinailalim ng Philippine National Police (PNP) ang local authorities sa Northern Samar sa high alert kasunod ng alegasyong may ilang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay nagsagawa ng magkakahiwalay na pag-atake.

Ang kautusan ay kasunod na patayin ng pinaghihinalaang mga rebelde ang isang sundalo at barangay captain sa magkahiwalay na insidente sa Northern Samar.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Sa gitna nito, kinondena ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang naturang pag-atake at inilarawan pa ang mga perpetrators bilang mga terorista.

Sa isang pahayag, sinabi ni Eleazar na talagang hindi titigil ang mga teroristang ito sa paghahasik ng kaguluhan at karahasan sa mga komunidad sa kanilang kagustuhan na ipakita na malakas pa din ang kanilang puwersa.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Dagdag ng PNP chief, pilit nilang pinagtatakpan ang katotohanan na mahina na sila at wala nang makuhang suporta para sa kanilang walang saysay na pagsulong ng armadong pakikipaglaban. // MHEL PACIA-TRINIDAD