PNP probe re: Discrepancy sa delivery ng mga armas, vests sa reg’l offices

Pinaiimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y ulat ng discrepancies na napuna ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa paglipat ng armas at body armor vests sa police regional offices.

Ito’y kasunod ng ulat ng COA na batay sa datos, lumalabas na ang mga armas at body armor vests na ipinadala sa mga Police Regional Offices sa buong bansa ay hindi nag-match sa datos na ibinigay ng PNP national headquarters’ (NHQ).

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, kailangan ma-reconcile nila ang records at maitama ang discrepancies upang maiwasan ang posibleng isyu sa deployment ng weapons at iba pang requipment sa Police Regional Offices.

Dagdag ni Eleazar, nananatiling transparent ang PNP at tinitiyak umano niya COA na tutugunan at itatama ang naturang isyu.

Sa kanilang 2020 report, ibinunyag ng COA na ang books of accounts ng 11 Police Regional Offices ay hindi nag-match sa bilang ng items na binuo ng 9mm pistols, basic assault rifles, enhanced combat helmets, at tactical vests.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ang naturang discrepancies ay nadiskubre sa regional offices sa Ilocos region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Cordillera Administrative Region at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. // MHEL PACIA-TRINIDAD