2022 CIF ng OVP – hindi naka-line item

Mahigit isang bilyong piso ang inirerekomendang itapyas sa panukalang budget ng Office of the Vice President sa susunod na taon.

Resulta ito ng naging pagpupulong ng mga miyembro ng Committee on Appropriations sa Kamara para talakayin ang plano sa budget ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte matapos na ma-defer sa ikalawang pagkakataon.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mula sa orihinal na proposed budget na 2.037 billion pesos, gagawin na lamang itong 733.2 million pesos.

Paliwanag ni House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson Stella Quimbo, ang desisyon ay ibinase sa mga naungkat sa budget hearing ng OVP kabilang ang usapin sa confidential funds.

Pero paglilinaw ni Quimbo, hindi pa naman ito pinal dahil dadaan pa rin ang panukalang budget sa plenary debates at period of amendments.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Bukod dito, kapag naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang General Appropriations Bill ay sasalang naman ito sa bicameral conference committee kasama ang Senado.

Wala pang tugon ang OVP patungkol sa naging desisyon ng Appropriations Panel.