PNP-HPG puwesto sa Mercedes boundary para magsagawa ng Oplan Sita sa mismong araw pa man din ng kapistahan, mahigit 60 ticket inisyu sa mga violator

CAMARINES NORTE- Tila nag-alangan ang ilang motorista at mamimiesta sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kahapon makaraang pumuwesto ang Philippine National Police Highway Patrol Group sa mismong boundary pa man din nito para magsagawa ng Oplan Sita at regular na Anti-carnapping operation.

Katuwang ng HPG ang Local Traffic Enforcer ng Daet sa paninita at pag-iisyu ng violation tickets.

Magaan lang naman ang babayarang penalidad ng mga nahuli dahil pawang Traffic Citations Ticket (TCT) ang inisyu at walang Temporary Operator’s Permit (TOP).

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang mga nahuli, kaniya-kaniyang alibi at excuses.

May isa namang tricycle na- apprehend na galing pang Quezon Province sakay ang tatlong katao kasama na ang driver.

Rehistrado naman sana ang tricycle pero walang naipakitang lisensya ang driver na pupunta lang sa Mercedes.

Kabilang naman sa mga violation ng mga nahuling motorista ay paggamit ng hindi awtorisadong helmet, walang helmet at hindi pagsusuot ng seatbelt.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mayroon ding nagmomotorsiklo na sinita dahil may sakay na maliit pang bata na walang suot na helmet.

Iginiit naman ng HPG na hindi sila kaaway ng mga motorista. Kaya umano madalas ang kanilang presensya ngayon ay upang masigurong ligtas ang kalsada.

Mababatid na araw- araw halos ang operasyon ng HPG na ginagawa sa iba’t- ibang bayan.