PATAY ang 100 katao habang marami pa ang nawawala matapos na tumaob ang sinasakyang barko sa north central region ng Nigeria nitong Martes.
Ayon sa mga residente at local authorities, lulan ng naturang barko ang hindi pa malamang bilang ng mga indibidwal papatawid sa isang ilog sa may bahagi ng Kwara state.
Mula sa isang kasalan ang mga ito at dahil sa sobrang dami ay hindi nito kinaya ang bigat ng mga pasaherong galing sa iba’t-ibang villages ng nasabing lugar daan para tumaob ito.
Kaugnay nito, patuloy ang pagsasagawa ng rescue efforts ng mga otoridad para sa mga posibleng survivors sa insidente.
Ayon sa Kwara state police, madalas gamitin ng mga Nigerians ang barko bilang bahagi ng kanilang transportasyon dahil sa takot na madukot ng mga armadong grupo sa daan.
Ganunpaman, ang mahinang maintenance overloading umano ng mga ito ang dapat sisihin sa insidente.### JUMEL DELA ROSA, Reuters