PNP, dumepensa sa CHR re: Pag-armas sa mga anti-crime groups

Binigyang diin ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar na ang pag-armas sa mga civilian organizations para makatulong sa mga pulis sa paglaban sa mga krimen ay layung protektahan ang mga grupo at hindi para hikayatin ang vigilantism.

Ayon kay Eleazar, batid ng pangulo at mismo ng PNP ang panganib na kakaharapin ng mga volunteers laban sa mga kriminal na kinabibilangan ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF at ang mungkahi ay ginawa para matiyak ang kanilang sariling proteksyon, pero may assurance na ang mga ito ay sasailalim sa rules at procedures para sa mga sibilyan para sa paghawak at pag-angkin ng baril.

Una nang ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbigay ng armas sa mga lider at opisyal ng barangay, para labanan ang mga ilegal na aktibidad.

Pero mungkahi ng Commission on Human Rights, dapat i-assess muna ng gobyerno ang kahandaan ng mga papayagang gumamit ng baril upang maiwasan ang iba pang human rights violations.

Ayon sa PNP chief, suportado nila ang argumento ng CHR sa naturang usapin, pero dapat rin umanong maintindihan na hindi nila hahayaang ipaubaya nalang sa awa ng mga kriminal ang kanilang buhay, kundi hinihikayat ang mga ito na lumaban kasama ang mga pulis. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *