Nat’l broadband proj, maaring maglagay sa panganib sa PH natl security — Jun Lozada

Nagbabala si Rodolfo “Jun” Lozada Jr., ang whistleblower sa National Broadband Network (NBN)-ZTE case, na ang national broadband project na inaprubahan ng gobyerno ay maaring maglagay sa kadelikaduhan sa national security ng bansa.

Giit ni Lozada, maraming sensitibo at confidential na usapin sa loob ng kampo na maaaring makompromiso, ngayong na nasa tabi nito ang mga cellsites ng pribadong sektor.

Hindi rin umano dapat pinababayaan ng pamahalaan na kunin din ng private sector ang pamamahala sa broadband dahil may mga pansariling interes ang mga pribadong sector at posibleng pagbutihin lang nila ang kanilang serbisyo sa mga lugar na may makukuha silang pakinabang.

Sa halip, iminungkahi ni Lozada na sagutin nalang ng pamahalaan ang internet needs sa ilang areas sa bansa, dahil naging “necessity” na naman umano ito. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *