PNP chief: Vaccination sa mga pulis, hindi mandatory, walang penalidad

Nilinaw ni PNP chief Guillermo Eleazar na hindi required ang mga police personnel na magpabakuna laban sa COVID-19, at hindi rin pagmumultahin ang mga tatangging magpa-inoculate.

Ayon kay Eleazar, hahayaan nilang maintindihan ng mga police personnel ang kahalagahan ng pagpapabakuna, sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19.

Read More:  VP Sara Duterte says impeachment complaint lacks evidence

Nabatid na bumaba na umano sa 7% ng buong police force mula sa 49% ang mga nagdadalawang isip na magpabakuna.

Pero para PNP chief, mahalaga na mabakunahan ang mga pulis na kasama sa mga frontliner sa pagharap sa pandemya, lalo’t mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay, at umaasa ito na sa kanyang pagpapabakuna ay lalo pang tataas ang kumpyansa ng mga pulis sa covid-19 vaccine.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Base sa datos ng Pambansang Pulisya, nasa 71 na ang nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng mga kapulisan. // MHEL PACIA-TRINIDAD