Nakiisa na rin ang ilang senaor sa napawagan ng kapwa mga mambabatas sa Senado na tanggalin na ang mandatory quarantine para sa mga Filipino at foreign travelers na fully vaccinated, dahil makakatulong umano ito na muling mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Para kay Sen. Sherwin Gatchalian ang kailangan nalang na ipatupad ng bansa ay ang pagsasailalim sa RT-PCR tests.
Matatandaan na nauna nang inirekomenda nina Senate President Vicente Sotto III, maging sina Senators Sonny Angara, Ramon Revilla, Joel Villanueva, at Juan Miguel Zubiri, ang nationwide implementation sa “swab upon arrival” policy ng probinsya ng Cebu.
Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ng mga senador na ang pag-adopt sa naturanng polisiya ay practical step, lalo na para sa mga returning OFWs na nais magbigay ng mas mahabang oras para sa kanilang mga pamilya.
Mababatid na agad isinasagawa ng Cebu ang tests sa mga returning nationals sa oras ng pagdating nila, at papayagang makauwi at ipagpatuloy ang quarantine sa kanilang bahay, kapag mag-negatibo sa RT-PCR, taliwas sa kasalukuyang mandato ng gobyerno na 14-day quarantine at ang RT-PCR test ay isasagawa sa ika-pitong araw pa mula sa pagdating. // MHEL PACIA-TRINIDAD