Tiniyak ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na mabibigyan ng hustisya ang pagkapatay ng pulis sa isang menor de edad sa Rodriguez, Rizal.
Tinitiyak din ni Acorda sa pamilya at sa publiko ang masinsinan at walang kinikilingang imbestigasyon at gagawa ng kaukulang ajksyon laban sa mga mapapatunayang responsable sa insidente.

Kung maaalala, unang kinumpirma ng Rizal Police ang pagkamatay ni John Francis Ompad – 15-anyos na binatilyong aksidenteng nabaril ni PCpl Arnulfo Sabillo na naka-assign sa Community Police Action Center (COMPAC) 5 ng Rodriguez MPS.
Maliban sa kasong kriminal ay maaari pang maharap si Sabillo sa kasong administratibo
kabilang na rito ang grave misconduct at conduct unbecoming of police officer.
Ni-relieved na rin ang buong tauhan ng COMPAC #5 bilang bahagi ng patuloy na pagsisiyasat upang malaman kung may lapses sa ginawang ito ng pulis,
Nauna nang inilunsad ng PNP-IAS ang moto-propio investigaiton sa insidente.