Nakukulangan si Dating Senate Blue Ribon committee chair Dick Gordon sa naging rekumendasyong kaso ng Ombudsman sa mga opisyal na sangkot sa Pharmally scandal.
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay former senator Gordon, sinabi nito na ikinatutuwa niya na umuusad ang kasong graft charges sa mga nasasangkot sa ma-anomalyang pagbili ng COVID-19 test kits.

‘Yun nga lang – hindi pa rin daw ito satisfied dahil may humaharang aniya sa imbestigasyon.
Iginiit pa ni former Senator Gordon na tama lang na idiin si dating PS-DBM Director Warren Liong sa kaso at hindi ito dapat na inulukluk ni Dating pangulong Duterte sa posiyon sa una pa lamang.
Samantala, sa gitna ng usapin, sinabi ni Department of Budget and Management o DBM Secretary Amenah Pangandaman patuloy nilang itataguyod ang prinsipyo ng transparency, mabuting pamamahala, accountability at mahigpit na pagsunod sa rule of law.