Namumuro na naman ang panibagong round ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil industry sources, naglalaro sa P0.40 hanggang P0.80 ang itataas sa kada litro ng diesel.

May posibilidad din ng pagtaas sa gasolina mula P0.10 hanggang P0.40; habang sa kerosene naman ay may inaasahang umento mula P0.50 hanggang P0.90 kada litro.
Ito na ang ika-walong linggong sunud-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Araw ng Lunes ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, habang Martes naman ito magiging epektibo.