PNP Chief Eleazar iniutos ang mas maigting na kampya laban sa loose firearm matapos ang massacre sa Camarines Sur; Pamilya sigaw ang hustisya matapos 6 na ang mawala sa kanila dahil sa lupa

NAGA CITY- Iniutos ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa mga PNP Regional Directors ang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms na nagiging kasangkapan sa paggawa ng krimen.

Ang pahayag ng PNP Chief sa pamamagitan ng PNP Bicol ay kasunod ng massacre sa Milaor Camarines Sur na noong Sabado ay kumpirmadong 5 ang nasawi, isang 72-anyos na lolo, 21-anyos na binata at tatlong mga bata.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Mababatid na ang suspek ay si Arthuro De Leon y Nullan kapatid ng sundalong unang napangalanang umano’y suspek. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Lorna , anak ng 72-anyos na nasawing si Romeo De Leon y Perez sinabing hustisya ang hinihingi nila sa pagkamatay ng 6 sa sa kanilang pamilya.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

5 ang namatay nitong Biyernes ng gabi habang una nang binaril-patay sa parehong Barangay ang anak din ni Romeo na si Marlon.Ayon kay Lorna , mabait ang kaniyang ama at naniniwala sana sa maayos na pag-uusap sa lupa.

Ipinagpapasa Dios na lamang ni Lorna ang nangyari kasabay ng hiling na tunay na maparusahan ang responsible.